Mga Pinoy ligtas sa magnitude 7.6 Mexico quake – DFA

Mga Pinoy ligtas sa magnitude 7.6 Mexico quake – DFA

September 20, 2022 @ 3:24 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Walang nasaktang Pilipino sa magnitude 7.6 na lindol na tumama sa Mexico nitong Lunes, ayon sa Department of Foreign Affairs nitong Martes.

“(The Philippine Embassy in) Mexico verbally informed that there are no Filipino casualty from the earthquake. We have some 1,200 Filipinos in Mexico, 800 of whom are in Mexico City,” pahayag ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza said.

Ang epicenter ng lindol ay nasa 37 kilometers southeast ng Aquila, malapit sa hangganan ng Colima at Michoacan states, at halos apat na oras ang layo mula sa Mexico City.

Isa ang nasawi sa Manzanillo sa Colima matapos gumuho ang pader ng isang tindahan, ayon sa mga ulat.

Niyanig ng lindol ang Mexico sa parehong araw na dalawang deadly quakes ang tumama sa bansa, isa noong Sept. 19, 1985 at ang isa pa ay noong 2017. RNT/SA