Mga Pinoy ligtas sa pagbaha sa Pakistan-DFA

Mga Pinoy ligtas sa pagbaha sa Pakistan-DFA

September 1, 2022 @ 5:22 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Walang Pilipinong nasugatan sa malawakang pagbaha sa Pakistan na ikinamatay ng mahigit 1,100 mula noong kalagitnaan ng Hunyo.

Patuloy namang sinusubaybayan ng Embahada ng Pilipinas sa Islamabad ang sitwasyon at nakahanda silang tulungan ang mga Pilipinong nahihirapan.

“Sa ngayon, walang Pilipinong naiulat na nasaktan o naapektuhan ng malakas na ulan at pagbaha sa Pakistan. Ang hindi pa naganap na dami ng ulan sa mga nakaraang linggo ay naging sanhi ng pagkamatay ng higit sa isang libong tao sa mga lalawigan ng Baluchistan at Sindh,” ani Embassy Charge d’Affaires Maria Agnes Cervantes sa isang pahayag na may petsang Agosto 31.

Ayon sa United Nations, mahigit 500,000 katao ang nawalan ng tirahan at halos isang milyong tahanan ang nasira sa matinding pagbaha sa Pakistan na nagsimula pa noong Hunyo.

Sa ngayon, hindi bababa sa 72 distrito sa buong Pakistan ang idineklara na “calamity-hit”, isang bilang na inaasahang tataas habang patuloy na bumubuhos ang ulan sa bansa.

Mayroong humigit-kumulang 3,000 Pilipino sa Pakistan, 90 porsiyento nito ay mga household worker at ang natitira ay mga propesyonal at kawani ng internasyonal na organisasyon, batay sa pinakabagong datos mula sa Department of Foreign Affairs. RNT