Mga Pinoy mas gusto pa rin naka-mask sa labas – OCTA

Mga Pinoy mas gusto pa rin naka-mask sa labas – OCTA

September 14, 2022 @ 9:38 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Mas maraming Pinoy pa rin ang nais na magsuot ng face mask sa labas ng kanilang tahanan.

Ito ay upang mas maprotektahan umano ang kanilang sarili kontra COVID-19.

Sa isang forum ay inilatag ng OCTA Research ang kanilang isinagawang pag-aaral mula pa noong Abril kung patuloy pa rin bang magsusuot ng face mask ang publiko kahit sa panahong ideklara na kontrolado na ang COVID-19.

β€œThis shows part of the reason why very few reactions from the people against the new policy of the President because 30 percent of the adult population will continue to wear masks six months after Covid-19 is declared controlled,” ani OCTA president Ranjit Rye.

β€œTwenty-eight percent, a considerable number, will continue to wear masks a year after Covid-19 is declared under control,” dagdag pa niya.

Dahil dito ay lumilitaw umano na kahit hindi sapilitang ipasuot ang face mask ay patuloy pa rin nila itong susuotin.

Sa dagdag na impormasyon, 16% sa mga respondents ng naturang pag-aaral ay patuloy na magsusuot ng face masks dalawang taon makalipas na ideklarang kontrolado na ang COVID-19 samantala 18% naman ang nagsabing kahit limang taon pa.

Ang naturang pag-aaral na ikinasa ng OCTA ay mayroong 2400 na respondents. RNT/JGC