Mga Pinoy sa Indonesia, pinuri ni PBBM

Mga Pinoy sa Indonesia, pinuri ni PBBM

September 5, 2022 @ 7:25 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pinoy na nasa Indonesia para sa kanilang “good standing” sa bansa.

Pinasalamatan din niya ang mga ito sa naging ambag para mapanatili ang kalakalan, turismo at “people to people links” sa pagitan ng dalawang bansa.

“I am very happy to see that this kinship and close people-to-people ties continue to endure as shown by the vitality of the Filipino community here in Indonesia. Napakalaki ang respeto ng mga Indonesian sa mga Pilipino dahil sa inyo ,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa kanyang pagbisita sa Filipino community sa isang hotel sa Jakarta.

Ito ang kauna-unahang official activity sa three-day state visit ni Pangulong Marcos sa Indonesia mula Setyembre 4-6.

Pinuri rin ng Chief Executive ang mga Filipino para sa kanilang tagumpay sa Indonesia.

“You have become valued members of the local society. As investors, as company directors, business consultants, lawyers, accountants, engineers, teachers, and technical staff,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Every time we hear news of yet another success by our OFWs [overseas Filipino workers] we are always saying thank you for the glory you bring to our country, for the good name that you burnish and polish of our country while you are abroad. Iba talaga ang galing ng Pinoy saan man sa mundo,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabilang dako, kinilala naman ng Punong Ehekutibo na may ilang Filipino ang mas piniling magtrabaho sa ibang bansa dahil sa “the lack of opportunities back home.”

Mananatili namang committed ang kanyang administrasyon upang tiyakin na ang “economic, social and cultural potential” ng bawat filipino ay “fully realized in their home country so that they will decide to leave the country to take advantage of new opportunities and not because they have no other choice.”

“We dream that the day will come that Filipinos will only travel abroad to work because it is their choice not because they have no other options. Together, we’ll make the Philippines more conducive for tourism, for investment, at the same time creating more jobs for the economy and as you all may know I am fully committed to revitalizing our country’s agricultural industry,” ayon kay Pangulong Marcos, kasalukuyang nakaupo bilang Kalihim ng Department of Agriculture.

Nangako naman ito na ipa-prayoridad ang kapakanan at karapatan ng mga OFWs sa buong mundo sa ilalim ng “soon to be fully-operational” na Department of Migrant Workers.

“Katuwang ng Department of Foreign Affairs at ating mga embahada at konsulado, itataguyod ng Department of Migrant Workers ang kapakanan at karapatang ng lahat ng OFWs sa buong mundo. Ito ang aking pangako na tutuparin bilang bago ninyong Pangulo,” anito.

Samantala, pinasalamatan din ni Pangulong Marcos ang mga pinoy sa Indonesia sa pagbibigay sa kanya ng nagu-umapaw na pagsuporta sa panahon ng presidential campaign at eleksyon. Kris Jose