Mga Pinoy sa Israel, pinag-iingat sa gitna ng tensyon sa Gaza

Mga Pinoy sa Israel, pinag-iingat sa gitna ng tensyon sa Gaza

August 6, 2022 @ 12:15 PM 4 days ago


MANILA, Philippines- Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Israel ang mga pinoy na nasa nasabing bansa (Israel) na magdobleng ingat bunsod ng nagpapatuloy na tensyon sa Gaza Strip.

“Maging maingat at mapagmatyag sa paligid,” ayon sa embahada sa kanilang advisory na naka-post sa Facebook.

Iyong mga nakatira sa loob ng Gaza Envelope at katimugang bahagi ng Israel ay pinapayagan na i- obserba o sundin ang sumusunod na guidelines na itinakda ng Home Front Command gaya ng “educational activities are prohibited; work activities may only be conducted inside standard protected space near a bomb shelter; and small gatherings of up to 10 people are allowed in outdoor spaces and up to 50 people in indoor spaces.”

Pinayuhan din ang mga Filipino na iwasan muna o ipagpaliban ang pag-byahe sa mga sensitbong lugar gaya ng Golan Heights, malapit sa border ng Lebanon, at Gaza.

“Huwag na huwag kukuha ng litrato/video, o mag-usyoso sa nagaganap na kaguluhan o karahasan dahil ito ay delikado,” ayon pa rin sa embahada.

Pinayuhan din ang mga pinoy na iwasan muna ang pagpunta sa mga matataong lugar .

Kailangan din na maging maingat ng mga pinoy sa paggamit ng public transport o habang naghihintay sa bus stop o station.

Dapat din na nagmo-monitor ang mga pinoy sa mga kaganapan kaugnay sa nagpapatuloy na tensyon sa Gaza “via trustworthy sources” gaya ng newspapers at telebisyon.

“Huwag lumapit sa mga Israeli security forces na naka-puwesto sa sensitibong lugar na nabanggit sa itaas,” ayon pa rin sa embahada.

Pinayuhan din ang mga pinoy na tawagan ang kahit na anuman sa mga sumusunod para humingi ng tulong kung kinakailangan: “Police: 100; Magen David Adom (Ambulance/Emergency Medical Service): 101; Fire: 102; Israel Electric Corporation: 103; Home Front Command: 104 at Municipality Call Center: 106, 107, 108

Maaari ring kontakin ang Philippine Embassy in Israel sa hotline number +972544661188 “in case of emergency.” Kris Jose