Mga Pinoy sa Israel pinaiiwas sa West Bank!

Mga Pinoy sa Israel pinaiiwas sa West Bank!

September 18, 2022 @ 1:57 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – “Maging maingat at magpagmatyag sa paligid.”

Kabilang ito sa payo ng Philippine Embassy sa Israel sa mga Pilipino na nanawagang umiwas o ipagpaliban muna ang pagpunta sa West Bank at iba pang lugar hanggang Setyembre 27 para sa kanilang kaligtasan.

Partikular na pinayuhan ang mga Pilipino na lumayo sa mga lugar na ito:

  • West Bank (Bethlehem, Jericho, Hebron, atbp.)

  • Jerusalem

    • Temple Mount

    • Damascus Gate

    • Herod’s Gate

    • Al Wad Road

    • Musrara Road

    • Areas around East Jerusalem

  • Golan Heights

  • Mga lugar na malapit sa hangganan ng Lebanon at Gaza

Pinayuhan din ng embahada ang mga Pilipino na huwag kumuha ng litrato o video o lumapit sa isang patuloy na sagupaan o aksyon ng karahasan. Sa halip, hinimok ang mga Pilipino na magtago o agad na umalis sa lugar.

Pinaiiwas din ng embahada ang mga Pinoy sa matataong lugar, mag-ingat sa pagsakay sa pampublikong sasakyan, at huwag lumapit sa mga pwersang panseguridad ng Israel na naka-deploy sa mga sensitibong lugar.

Sinabihan din ang mga Pilipino na sundin ang mga direktiba ng Israeli security forces at ng Home Front Command.

Para sa mga emergency, maaaring makipag-ugnayan ang mga Pilipino sa alinman sa mga sumusunod, sinabi ng embahada:

  • Magen David Adom – 101

  • Pulis – 100

  • Home Front Command – 104

  • Israel Electric Corporation – 103

  • Call Center ng Munisipyo – 106/107/108

  • Emergency hotline ng Philippine Embassy – +972544661188

Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga Israelis at Palestinian noong nakaraang linggo. RNT