Mga Pinoy sa Italya pinag-iingat sa heat wave

Mga Pinoy sa Italya pinag-iingat sa heat wave

July 22, 2022 @ 6:59 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinag-iingat ang mga Pilipino sa Italy mula sa nakamamatay na heat wave na nararanasan ngayon sa iba’t ibang bahagi ng Europa.

Tinukoy ang Italian Ministry of Health, sinabi ng Philippine Embassy sa Roma na nakalagay sa heat wave bulletin ang red alert levels na ipinalabas sa Campobasso, Milan, Rome, Bologna, Florence, Bolzano, at ilang lungsod sa Italy.

Ang temperature ay pumalo na sa 40 degrees Celsius, “above from July 21 to 23.”

“All Filipino nationals in Italy, especially the elderly, infants, children, and pregnant women are advised to take the necessary precautions and to be cautious of the negative effects caused by high temperatures,” ayon sa advisory.

Ayon sa United Nations, ang matinding init sa western Europe ang dahilan ng “devastating wildfires” sa France at Spain at ang hindi pa kailanman nangyari na tagtuyot sa Italy at Portugal.

Ngayong linggo ay nagbabala ang UN World Meteorological Organization (WMO) na ang mga heat waves ay madalas na mangyayari hanggang 2060s.

“The pattern is linked to the observed global warming attributed to human activity, raising “serious concerns for the planet’s future” ayon sa WMO.

“The negative trend in climate will continue at least until the 2060s, independent of our success in climate mitigation,” ayon kay WMO Secretary-General Petteri Taalas.

“We have already lost the game concerning the melting of glaciers. We expect that the melting of glaciers will continue for the coming hundreds of years or even coming thousands of years…Sea level rise will continue for the same period.” dagdag na pahayag nito. Kris Jose