Mga Pinoy sa Libya, pinag-iingat sa gitna ng marahas na protesta

Mga Pinoy sa Libya, pinag-iingat sa gitna ng marahas na protesta

July 23, 2022 @ 2:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang Philippine Embassy sa Libya sa mga Pinoy sa capital city ng Tripoli at sa mga lugar na nakapalobot dito na mag-ingat at maging bigilante para sa kanilang kaligtasan sa gitna ng marahas na protesta at sagupaan sa Al-Farnaj, araw ng Biyernes.

Sa isang public advisory, sinabi ng embahada na sa ngayon ay hindi pa sila nakatatanggap ng kahit na anumang report hinggil sa pinoy na nasaktan o nasugatan sa sagupaan.

“The Embassy continues to monitor developments on the ground and stands ready to provide emergency assistance to Filipinos who may be affected by security-related incidents,” ayon sa advisory.

Ang mga magkakatunggaling lider sa Libya ay nasa ilalim ng lumalaking street pressure sa unang bahagi ng buwan matapos ang mga nagpo-protesta ay “stormed parliament as anger exploded over deteriorating living conditions and political deadlock.”

“Libyans, many impoverished after a decade of turmoil and sweltering in the soaring summer heat, have been enduring power cuts of up to 18 hours a day, fuel shortages, and crumbling services and infrastructure, even as their country sits atop Africa’s largest proven oil reserves,” ayon sa ulat.

Samantala, maaari namang makipag-ugnayan ang mga pinoy sa Libya at embahada para sa kanilang “security-related incidents, information on developing security situations on the ground, and requests for assistance through the following:”

ATN Hotline: 0944541283

Email: [email protected]

Facebook: https://www.facebook.com/PHinLibyaKris Jose