Mga Pinoy sa Libya pinag-iingat sa gulo sa Tripoli

Mga Pinoy sa Libya pinag-iingat sa gulo sa Tripoli

August 28, 2022 @ 9:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ng Philippine Embassy sa Libya ang mga Pilipino sa North African country na maging maingat at alerto matapos ang napaulat na kaguluhan sa pagitan ng magkaribal na pangkat sa capital nito na Tripoli.

“The embassy urges Filipinos in central Tripoli and surrounding areas to take extra precaution and be more vigilant following reports of ongoing violent clashes in Jamhouria and Zawiya streets,” abiso ng embahada nitong Sabado.

Ayon pa rito, wala pang naiuulat na Pilipinong biktima ng kaguluhan.

Nahahati ang Libya sa magkaaway na pangkat mula pa 2014, kasunod ng 2011 NATO-backed uprising laban kay Moammar Gadhafi.

Nagkakagulo sa pagitan ng mga grupo na sumusuporta kay interim Prime Minister Abdulhamid Dbeibeh at Prime Minister Fathy Bashag—na siya namang namumuno sa rival government.

Inihayag ng embahada ng Pilipinas na patuloy ito sa pagbabantay sa “developments on the ground and stands ready to provide emergency assistance to Filipinos who may be affected by security-related incidents” sa Libya. RNT/SA