Mga Pinoy sa Sri Lanka aayudahan ng $300 – DFA

Mga Pinoy sa Sri Lanka aayudahan ng $300 – DFA

May 31, 2022 @ 3:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Makatatanggap ang mga Pilipino sa Sri Lanka ng financial aid mula sa Philippine government.

Patuloy kasing nahaharap ang South Asian nation sa malalang economic crisis.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, ang mga Pilipino sa Sri Lanka ay makatatanggap ng $300 at aalukin ng “free repatriation flights.”

“Wala naman tayong nabalitaan na nadamay sa kaguluhan [sa Sri Lanka]… Nahihirapan lang talaga sila financially dahil sa inflation na nangyayari dun sa bansa,” ayon kay Arriola sa Laging Handa press briefing.

Ilang buwan nang nagdurusa ang Sri Lanka sa kakulangan ng pagkain at medisina at mula sa pinaigting na anti-government protests bunsod ng kakapusan sa foreign exchange.

Tinatayang may 492 Pilipino ang nasa cash-strapped South Asian nation, mas higit sa kalahati ang kasal sa Sri Lankans.

“So far, only 25 Filipinos have signified interest to return to the Philippines,” ayon kay Arriola sabay sabing “Those with children are only asked to provide birth certificates and proof that a parent is a Filipino citizen.”

Sa kabilang dako, isang mabilis na response team mula sa DFA ang inaasahan na darating sa Sri Lanka sa Hunyo 2 upang tingnan ang situwasyon ng mga Pilipinong nakatira roon.

“An unprecedented shortage of foreign exchange to import even the most essential supplies has led to severe hardships for the country’s 22 million people,” ayon sa ulat.

Ang presyo ng diesel ay tumaas ng 230 porsiyento at ang petrol naman ay tumaas ng 137 porsiyento sa nakalipas na anim na buwan.

Kapwa may “short supply” at ang mga motorista ay kailangang pumila, minsan ay para sa ilang araw, para mapunan.

Tumaas din ang bus at taxi fares ng 50 porsiyento, kitang-kita ang pagtaas ng presyo sa halos lahat ng goods at services.

Noong nakaraang buwan, humirit ang pamahalaan sa International Monetary Fund ng “urgent” financial assistance. Nagpapatuloy naman ang pag-uusap.

“The country has defaulted on its $51 billion foreign debt,” ayon sa ulat.

“Its currency has depreciated by 44.2 percent against the US dollar this year, while inflation hit a record 33.8 percent last month,” ayon pa rin dito. Kris Jose