Mga Pinoy sa Sri Lanka target pauwiin sa katapusan ng Hulyo

Mga Pinoy sa Sri Lanka target pauwiin sa katapusan ng Hulyo

July 20, 2022 @ 1:13 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngaying Miyerkules na umaasa silang mapapauwi sa Pilipinas ang mga Pilipino mula sa Sri Lanka sa katapusan ng buwan.

Ang mga presyo ng mga bilihin sa Sri Lanka ay patuloy na tumataas, kahit na matapos ang pagbibitiw ng dating pangulo nitong si Gotabaya Rajapaksa.

Sinabi ni Undersecretary Eduardo De Vega sa TeleRadyo na umaasa silang makabili ng ticket sa lalong madaling panahon para sa mga Pilipinong gustong umalis ng Sri Lanka sa pamamagitan ng commercial flight.

“Ang ginagawa namin kasi eh, sana magkaroon ng sweeper flight pero mahirap po mag-arrange niyan dahil nga sa situation Sir Lanka…eh kasi maraming requirements kailangan so magkakaroon yan ng delay pa naman siguro, magkakaantala sa papers,” paliwanag ng opsiyal.

“Kaya ang gagawin na lang namin, kukuha kaming funding para sa commercial na lang kasi may flight pa naman eh,” dagdag pa niya.

“Ang target date namin sana, minimum we, kasi July 20 ngayon, ang gusto namin bago matapos ang July may nakauwi na. Dapat kasi ang original sweeper flight na iniisip namin, first week of August pero mukhang hindi na mangyayari yun so bago pa noon kailangan may na-fund na na ticket.”

Sinabi ni De Vega na humigit-kumulang 115 sa 700 Pilipinong naninirahan sa Sri Lanka ang nagsabing gusto nilang unuwi sa Pilipinas. RNT