Mga Pinoy sa Ukraine, sapilitan nang ililikas – DFA

Mga Pinoy sa Ukraine, sapilitan nang ililikas – DFA

March 8, 2022 @ 7:00 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Iniutos ng gobyerno ng Pilipinas nitong Lunes ang mandatoryong paglikas ng lahat ng Pilipino sa Ukraine sa gitna ng lumalalang hidwaan sa pagitan ng estado ng Eastern Europe at Russia.

“Due to the rapidly deteriorating security situation in Ukraine, the Department of Foreign Affairs has raised the crisis alert level for all areas in Ukraine to Alert Level 4 (Mandatory Repatriation),” sabi ng DFA sa isang pahayag.

Sa ilalim ng Crisis Alert Level 4, ang Pilipinas ay nagsasagawa ng mandatory evacuation procedures sa gastos ng gobyerno.

“Filipinos in Ukraine will be assisted by the Philippine Embassy in Poland and the Rapid Response Team, which are currently assisting Filipino nationals for repatriation and relocation,” dagdag pa ng DFA.

Sinabi ng DFA na patuloy itong mahigpit na susubaybayan ang mga political at security development sa Ukraine sa pagsalakay ng Russia.

Mahigit 300 Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Ukraine, ayon sa kagawaran.

Nauna nang nailikas ang 141 Pinoy na nasa Ukraine.

Ang Embahada ng Pilipinas sa Warsaw, Poland ay may hurisdiksyon sa Ukraine. RNT