Mga Pinoy seafarer na apektado ng COVID tutulungan ng POEA

Mga Pinoy seafarer na apektado ng COVID tutulungan ng POEA

September 22, 2020 @ 2:17 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Siniguro ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na patuloy na tutulungan ang mga Pilipinong mandaragat na na-stranded dahil sa kinakaharap na pandemya.

Sa inilabas na resolution number 13, series of 2020 ng POEA governing board, sasagutin ng principal o employer ang gastos sa accommodation at pagkain ng mga seaman na nakapirma na ng kontrata ngunit hindi pa makaalis dahil sa COVID.

Tatagal ang pagtulong hanggat hindi pa umuusad ang deployment o hindi pa nakakansela ang employment contract ng mandaragat.

Samantala, inaatasan na rin ng POEA ang employers na magbigay ng kaparehong tulong at benepisyo sa mga seafarer na may employment contract ngunit hindi  pa nakasakay ng barko at mga hindi ma-repatriate dahil sa pandemic. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...