Manila, Philippines – Ibibida ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ikatlong State Of the Nation Address (SONA) ang magiging plano ng pamahalaan sa susunod na apat na taon.
Kumbinsido si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na hindi lamang ang mga accomplishment ni Pangulong Duterte para sa nakalipas na dalawang taon ang gustong marinig ng mga mamamayan kundi maging ang mga plano at papaano tutugunan ng gobyerno ang problema sa inflation at iba pang kasalukuyang hinaharap sa kriminalidad.
Kabilang sa mga accomplishments ng Punong Ehekutibo ay ang anti-drug campaign, anti-corruption campaign at anti-criminality campaign nito.
Sa kabilang dako, hindi pa opisyal na hanggang 35 minuto lamang aabutin ang Ulat Sa Bayan ni Pangulong Duterte.
“Based on sa mga napag-usapan ano. Sabi niyaāhopefully mga about 35 minutes, hindi ito official, I am not authorized to speak on behalf of the President,” aniya pa rin.
Batid naman aniya ng lahat na kapag nagbabasa na ang Pangulo ay siya na mismo ang nagdadagdag ng mga gusto pa niyang sabihin.
May maalala pa aniya ito na ‘extemporaneous’ na niyang sinasabi.
Ang ibig sabihin lamang aniya nito ay “he will make the most of his time stressing on really pressing matters and concerns. Alam nāyo naman talaga ganoon magsalita ang Pangulo. Sabi nga niya kung mga about 35 minutes or more”. (Kris Jose)