Mga plano sa pamamahagi ng bakuna kontra COVID-19 ilalatag na ng DOH sa IATF

Mga plano sa pamamahagi ng bakuna kontra COVID-19 ilalatag na ng DOH sa IATF

October 29, 2020 @ 12:16 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinaplano na ng Department of Health (DOH) ang pamamahagi sa ilalatag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

“The DOH will present the vaccine implementation plan sa IATF within this week or early next week,” ani DOH Undersecretary Eric Domingo sa isang interview sa Unang Hirit.

Dagdag pa nito na araw-araw na nakikipagpulong ang DOH sa Department of Science and Technology upang pag-usapana ng pagtatayo ng cold chain facilities kung saan ilalagay ang mga bakuna.

“’Yung supplies kasama na ‘yun, kapag nag-bid ‘yan. At saka kailangan may pa-extra pa na mga syringe, needles, alcohol, ‘yung bag na lalagayan na dapat thermally insulated,” aniya.

Saad pa nito na mangangailangan ito ng malawakang operasyon.

“Napakalaking supply chain ang operation nito. Magbabakuna tayo ng 20 million to 100 million Filipinos,” dagdag nito.

Samantala, umaaasa naman si Domingo na tumaas ang pondo para sa bakuna.

“We hope that Congress will at least confer with the Executive kung saan nila kukunin ‘yung pondo para itaas ang budget for the vaccine,” aniya.

Kamakailan ay inihain ng ilang senador ang nagpanukalang dagdagan ang pondo sa bakuna. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...