Mga plastik sa Parañaque, babawasan!

Mga plastik sa Parañaque, babawasan!

June 7, 2021 @ 10:53 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Nakatakda ngayong araw (Hunyo 7) ang pagtatalaga ng lokal na pamahalaan ng Parañaque sa Information, Education and Communication (IEC) team para sa kanilang kampanya bunsod sa ordinansa na may kinalaman sa paggamit ng mga plastic sa lungsod.

Ang pagtatalaga para sa kampanya ng IEC teams ay una munang nararapat na gawin bago pa man ipatupad ang ordinansa para sa pagkontrol sa paggamit ng plastic.

Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez na kamakailan lamang ay nagsagawa ng orientation ang City Environment and Natural Resources office (CENRO) sa mga itatalagang information officer ng IEC team para sa implementasyon ng City Ordinance No. 18-40.

Ayon kay Olivarez, ang naturang ordinansa ay naglalayon ng “Regulating the Use, Provision and Sale of Styrofoam, Plastic Bags and Plastic for Prepared Food and Beverage Containers including Plastic Straws and Stirrers in the City of Parañaque and Prescribing Penalties Thereof”.

Ang pagpapatupad ng naturang ordinansa ang siyang magkokontrol sa paggamit ng plastic sa lungsod kabilang na din ang probisyon sa pagbebenta ng styrofoam, plastic bags at plastic sa pagpreprepara ng pagkain at inumin kasama na dito ang plastic straw at mga stirrers.

Dagdag pa ni Olivarez na ang mga lalabag o hindi susunod sa pagpapatupad ng naturang ordinansa ay maaring sampahan ng kaso at may babayaran na kaukulang multa sa lokal na pamahalaan. James I. Catapusan