Mga pribadong ospital, aapaw na sa COVID-19 – PHAPI

Mga pribadong ospital, aapaw na sa COVID-19 – PHAPI

July 14, 2020 @ 10:56 AM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Malapit nang umabot sa full capacity ang mga pribadong ospital para sa mga kaso ng coronavirus disease sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga tinatamaang pasyente.

Ayon ito sa panayam sa presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI) na si Dr. Rustico Jimenez.

Ipinahayag niya ito makaraang tanungin tungkol sa estado ng mga ospital nang ideklara ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City at Taguig City, maging sa Makati Medical Center, na full capacity na ito sa COVID-19 intensive care unit beds.

Bukod pa rito, mas marami rin aniyang pasyente na may mild na kaso ang pinipiling manatili sa mga pribadong ospital kumpara sa mga isolation facilities na pinangangasiwaan ng pamahalaan.

Sumang-ayon din si Jimenez na nasa danger zone na ang kapasidad ng COVID-19 facilities sa Metro Manila, subalit mas handa na ang mga halth facilities kumpara sa mga unang buwan ng pandemya sa bansa.

Matatandaan ding naglabas ng kautusan ang Department of Health (DOH) sa mga ospital na maglaan ng 30 porsyento ng resources nito para sa mga pasyente ng COVID-19, bagamat kinikilala nito na hindi lahat ng ospital ay kayang kumunod sa utos na ito dahil sa iba’t ibang resources nito. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...