Mga pribadong ospital na nagbabalang kakalas sa PhilHealth, nakipagkasundo muli sa ahensya

Mga pribadong ospital na nagbabalang kakalas sa PhilHealth, nakipagkasundo muli sa ahensya

March 16, 2022 @ 1:24 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Karamihan sa mga pribadong ospital na nagbabala na puputulin ang ugnayan sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ay nakikipagtransakyon nang muli sa state insurer, ayon sa PhilHealth executive nitong Miyerkules.

Inilahad ni Dr. Shirley Domingo, vice president for corporate affairs ng Philhealth, na naresolba na ang mga isyu sa pagitan ng ahensya at mga pribadong ospital.

“As of now, those who gave us some, who brought us some issue to our claims, nakipag-usap na kami dati at na-resolve po natin ‘yung mga issues,” pahayag ni Domingo.

“Therefore, we are happy to report that those hospitals, in fact, almost all hospitals, are now accredited,” patuloy niya.

Aniya pa, patuloy na pinaiigting ng Philhealth ang sistema nito upang mapabilis ang paglalabas ng claims sa mga pribadong ospital.

“We are continuously reforming our IT system… We hope we continue on as partners here in our National Health Insurance program,” sabi niya. RNT/SA