Mga problema sa agrikultura, mas matutugunan sa ilalim ng Marcos admin – DA

Mga problema sa agrikultura, mas matutugunan sa ilalim ng Marcos admin – DA

October 24, 2022 @ 9:06 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Madali nang matutugunan at masosolusyunan ang mga problema sa sektor ng agrikultura  sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Ito ang dahilan kung bakit suportado ni Department of Agriculture (DA) spokesperson Assistant Secretary Kristine Evangelista  ang  naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na manatiling hepe ng departamento sa gitna ng panawagan ng ilang mambabatas na magtalaga na ang huli ng  full-time agriculture chief.

Sinabi ni Evangelista, sa pamamahala ng Pangulo bilang Kalihim ng DA, papayagan ang mas mabilis na koordinasyon sa pagitan ng DA at iba pang ahensiya ng pamahalaan para kaagad na masolusyunan ang anumang problema ng departamento.

“Ako po sa tingin ko nakakatulong po na ang mahal na Presidente ang siyang pinuno ng DA dahil po marami pong mga pangangailangan ang agriculture sector that will involve other agencies as well,” ani Pangulong Marcos.

“If our agency is able to work well with other government agencies, then we can solve mas marami pong mga problema ng aming mga  stakeholders,” wika pa nito.

Matatandaang, sinabi ni Pangulong  Marcos  na kailangan pa siya sa DA kaya mananatili muna siya sa departamento bilang kalihim.

“I am giving my full attention to the department. And the reason that I stay on up to now I have actually raised the subject with some of the — some of the staff and the employees and the secretaries in the DA and they asked me not to [leave],” ayon sa Pangulo.

“There are things that a President can do that a secretary cannot, especially because precisely the reason that you gave. The problems are so difficult that it will take a president to change and turn it around,” dagdag pa niya.

Winika pa nito, ang mga problema sa agrikultura ay “very deeply embedded” kaya hindi madaling maibalik ang dating magandang sistema.

“Very deeply embedded ang mga problema natin sa agrikultura.

Ito ay nangyari sa nakaraang napakaraming taon.

Kaya’t hindi ganoon kabilis, hindi ganoon kadali na ibalik sa ating magandang sistema dati. Kaya’t I think I am still needed there,” giit niya.

Tiniyak naman ng Pangulo na magtatalaga siya ng permanenteng kalihim kapag “properly institutionalized” na ang mga function sa DA at nagawa na ang structural changes.

“When we are able to say that the DA’s functions are properly institutionalized, and the structural changes that we need to make in the DA have been made, and the appointments in the DA have already been made, then saka ako bibitaw. Because then, they don’t need me anymore, they don’t need the President heading the department,” aniya. Kris Jose