Mga programa inilunsad ng Kamara sa Breast Cancer Month

Mga programa inilunsad ng Kamara sa Breast Cancer Month

October 7, 2022 @ 11:53 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bilang pakikiisa sa pag-obserba ng bansa sa Breast Cancer Month, ilang programa ang idinaos sa House of Representatives upang mapalakas pa ang awareness sa sakit na number 1 killer disease sa mga kababaihan.

Sa pangunguna ng Association of Women Legislators Foundation, Inc. (AWLFI) katuwang ang Soroptimist International of Ortigas and Environs, at Philippine Cancer Society, Inc. (PCS) ay nagdaos ng isang awareness talk patungkol sa breast at cervix health ang Kamara.

Sa nasabing event ay itinuro kung paano magsagawa ng breast self-examination at nagkaroon din ng libreng breast at cervical screening.

Binigyang diin ni PCS Program Director Dr. Romeo Marcaida ang kahalagahan ng early detection sa sakit na breast cancer, aniya, 64% ang survival rate ng breast cancer patients sa Pilipinas, ngunit sa tulong ng early detection at access sa gamot ay naitaas ito sa 90%.

Kaugnay nito hinimok ni AWLFI President at Bulacan Rep. Linabelle Ruth Villarica ang mga kasamahang mambabatas na tiyakin ang pagpopondo sa Cancer Assistance Program sa ilalim ng Department of Health (DoH) sa susunod na taon.

Ag panawagan ni Villarica ay kasunud na rin ng zero budget na natanggap ng programa sa ilalim ng 2023 national budget matapos hindi ito bigyan ng alokasyon ng Department of Budget and Management(DBM) gayunpaman hindi pumayag dito ang Kamara at sa pagpasa ng 2023 budget ay pinaglaanan ito ng P250 milllion budget.

Giit ni Villarica hindi dapat isantabi ng gobyerno ang mga programa laban sa cancer at isang paraan para matugunan ito ay sa pamamagitan ng pagtiyak na may pondo para sa mga programa.

“The lives of more than 27,000 Filipinas with breast cancer may depend on it,” pagtatapos pa ni Villarica. RNT