MGA PROGRAMA SA KAPALIGIRAN IPAGPAPATULOY NG BAGONG DENR CHIEF

MGA PROGRAMA SA KAPALIGIRAN IPAGPAPATULOY NG BAGONG DENR CHIEF

February 28, 2022 @ 11:54 AM 4 months ago


PINURI ng bagong hepe ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) si dating Secretary Roy A. Cimatu sa mga naging trabaho nito at nangakong ipagpapatuloy ang mahahalagang programa at proyekto nito sa kapaligiran hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay DENR OIC Secretary Jim O. Sampulna, ipagpapatuloy niya ang mga nagawa ng ahensya sa pamumuno ni Cimatu sa mga natitirang buwan ng administrasyon ni Duterte.

Binigyang-diin ng opisyal na tubong Mindanao ang progreso sa isinasagawang pagpapanumbalik ng Manila Bay at ang tagumpay sa Boracay Island rehabilitation.

Dahil sa kapabayaang nangyari sa Boracay island, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang anim na buwang rehabilitasyon ng isla.

Umabot sa 400 hotels and restaurants ang ipinasara dahil sa paglabag sa environmental and sanitation laws habang tatlong casinos ang permanenteng ipinasara. Sinira rin ang mga establisimyentong lumabag sa 30-meter shoreline

Nito lamang January 2022 ay napili ang Boracay Island bilang ‚Äúsecond most instagrammable place in the world‚ÄĚ ng prestihiyosong Big 7 Travel.

Ipagpapatuloy ni Secretary Sampulna ang priority projects bilang pangako kay Pangulong Duterte.

“We can now see the beauty of Manila Bay. Maybe only around 500-600 meters of the Manila Bay is yet to be laid down with dolomite sand. I intend to continue that project because that is our commitment to our dear President,” pagdidiin ni Sampulna.

“Meanwhile in Boracay, since it is also the commitment of the DENR to President Duterte, we intend to continue that,” aniya.

Dagdag pa dito, si Sampulna na siyang undersecretary for attached agencies, mining, and Muslim affairs bago ito maitalaga bilang OIC ng DENR ay nilinaw rin ang isyu tungkol sa open-pit mining matapos tanggalin ang ban nito sa pamamaagitan ng Executive Order 130.

Samantala, sa isyu naman ng pagbabawal sa paggamit ng single-use plastic, sinabi ni Sampulna na ang DENR ay ipagpapatuloy ang adbokasiya rito at suportado rin nito ang ‚Äúbanning‚ÄĚ kahit na wala pang batas tungkol dito.

Ipinaalala rin ni Sampulna ang panawagan ng DENR at hinihikayat nito ang mga kandidato sa May 2022 elections na itigil na ang pagpapako ng campaign materials sa mga puno.

Sinabi rin nito sa publiko na huwag iboto ang mga kandidato na sumisira sa kapaligiran.