Mga programa sa maritime, aviation sector inilatag ng DOTr sa 11th cabinet meeting

Mga programa sa maritime, aviation sector inilatag ng DOTr sa 11th cabinet meeting

October 11, 2022 @ 3:24 PM 2 months ago


MANILA. Philippines- Pinakinggan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang presentasyon ng Department of Transportation (DOTr) sa idinaos na 11th cabinet meeting sa Malakanyang, araw ng Martes, Oktubre 11, 2022.

Sinabi ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na ang sektor ng transportasyon  ay isa sa mga priority sectors ng  Pangulo kaya pinagpresenta niya ang DOTR ng  mga programa  nito sa maritime at aviation sector.

Ito ani Velicaria-Garafil  ay para isulong ang mga economic recovery  at mabigyan ng hanapbuhay ang mga mamamayang Pilipino.

Sinabi pa ni Velicaria-Garafil na inutusan ni Pangulong Marcos ang DOTr na bumuo ng isang Maritime Industry Dev’t Plan upang  mapaunlad at mapalawig ang mga industrya ng maritime at aviation sector kasama diyan  aniya ang utos ng Chief Executive na ayusin ang ports o mga daungan  upang mas marami pang cruise ships ang makadaong dito para mapalakas din ang tourism industry.

Inutusan din aniya ni Pangulong Marcos ang Marina na i-address ang problema ukol sa mga eskwelahan na hindi sumusunod sa educational quality standards base sa international requirtements at guidelines.

Kasama rin dito aniya  ang pagtugon sa isyu ng ship boarding requirements sa mga maritime students.

Winika pa aniya ng Punong Ehekutibo na dapat i-upgrade ang competencies ng mga eskwelahan at ayusin ang training programs upang mabigyan ang mga estudyante ng bentahe at mailagay ang mga ito sa  international standards para mapatuloy ang estado ng bansa  bilang  “number 1 supplier”  ng seafarers sa buong mundo.

Hinggil naman aniya sa aviation sector, inutusan ng Chief Executive  ang DOTr na  tutukan ang pag-upgrade ng Manila Airport upang matugunan ang lumalaking demand, kasama na rin aniya ang  pag-aaral sa mga existing unsolicited proposals para i-modernized ang mga existing airports at i-upgrade ito at magtayo ng mga bagong airports sa iba’t-ibang lugar sa bansa. Kris Jose