Mga pulis ihahabla ng ‘Tinang 83’

Mga pulis ihahabla ng ‘Tinang 83’

July 9, 2022 @ 12:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Maghahain ng reklamo ang mga magsasaka na kasama sa 83 na naaresto sa land dispute sa Tarlac nitong nakaraang buwan sa mga pulis na umaresto sa kanila, ayon sa kanilang abogado nitong Biyernes.

Naghain sila ng administrative complaint sa Department of Justice laban sa prosecutor wna kinasuhan sila ng illegal assembly at malicious mischief, Huwebes.

“Sa Monday or Tuesday po kasi yung ibang mga complainants po ay hindi nakarating so they have to personally subscribe and swear to their affidavits sa Office of the Ombudsman,” pahayag ng kanilang abogado na si Atty. Jobert Pahilga.

“Kaya by Monday or Tuesday, the complaint is already prepared, na-print na po for their signature and by Monday we’ll troop to the office of the ombudsman para i-file po yun,”dagdag niya.

Nagbubungkal ng lupa ang mga magsasaka, na agrarian reform beneficiaries (ARBs) na may collective certificate of land ownership awards (CLOA) mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) noong 1995, nang sila ay arestuhin, at akusahan ng pagsira sa property, na ino-okupahan ng Tinang SN Multi-Purpose Cooperative.

Matatandaang ibinasura na ng korte ang illegal assembly at malicious mischief charges laban sa kanila, subalit nahaharap pa sila sa tatlong kaso. RNT/SA