Mga pulis itatalaga sa 28 schools sa NCR na kalahok sa F2F classes sa Dis. 6

Mga pulis itatalaga sa 28 schools sa NCR na kalahok sa F2F classes sa Dis. 6

December 5, 2021 @ 3:48 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Magtatalaga ang Philippine National Police (PNP) nga sapat na bilang ng mga tauhan nito upang siguruhin ang maayos na implementasyon ng gaganaping face-to-face classes sa 28 paaralan sa Metro Manila simula sa Lunes.

Subalit naiiba ito ngayon sapagkat natuto ang PNP mula sa natanggap na kritisismo nang mamataan ang mga armadong pulis sa loob ng mga silid-aralan sa isang paaralan sa  Pangasinan kung saan isinagawa ang pilot face-to-face classes noong isang buwan.

Humingi naman ng dispensa si PNP chief Gen. Dionardo Carlos sa naturang insidente.

“The resumption of the face-to-face learning setup is not new anymore for us since other schools have already started this last November,” ani Carlos.

“We just have to follow the template and remind our police personnel to strictly limit themselves from going inside school premises unless there is a request for security assistance,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Carlos na hawak na umano nila ang listahan ng 28 na paaralan kung saan itatalaga ang mga pulis.

Nagpaalala naman ang PNP sa mga estudyante at magulang na sumunod sa minimum health protocols kagaya ng pagsusuot ng facemask at madalas na paghuhugas ng kamay. RNT/SA