Mga pulis na kinakasuhan, may free legal assistance mula PAO

Mga pulis na kinakasuhan, may free legal assistance mula PAO

July 28, 2021 @ 2:06 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagkakaloob ng libreng legal assistance ang Public Attorney’s Office (PAO) sa mga pulis at iba pang uniformed personnel na masasampahan ng kaso sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Ito ang nilinaw ni Justice Sec. Menardo Guevarra kaugnay sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA na magpasa ng batas ang Kongreso para sa free legal assistance sa mga pulis at sundalo.

Sinabi ni Guevarra na matagal na ang direktiba ng kagawaran sa PAO na attached agency nito na bigyan ng libreng serbisyong legal  ang mga pulis hanggang sa SPO4 level at iba pang unipormadong tauhan.

Gayunman, kailangan muna dumaan sa pagsusuri ng ng PAO ang kaso ng isang pulis kung bi igyan ng free legal assistance.

Kinakailangan aniya na walang conflict of interest o kung ang ibang partido sa kaso ay humingi rin ng tulong mula sa PAO. Teresa Tavares


  •  
  •  
  •