Mga pulis sa Mindoro ambush pinarangalan

Mga pulis sa Mindoro ambush pinarangalan

May 30, 2021 @ 10:43 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Pinarangalan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang dalawang pulis na sugatan sa isang ambush sa Occidental Mindoro nitong Biyernes.

Pinarangalan ni Eleazar sina P/SSG. Edwin Vergara at P/SSG Michael Enero na kasalukuyang nagpapagaling sa Camp Crame General Hospital ng Medalya ng Kadakilaan.

Iginawag din ang Medalya ng Sugatang Magiting sa siyam pang sugatang tauhan ng PNP. “Kami po ay nandito para magbigay pugay sa mga police na naghandog ng kanilang buhay para sa ating bayan,” ani Eleazar.

“Napakatagal na panahon na noong nagkaroon tayo ng insurgency and yet, and’yan pa rin ‘yung problema natin. Napakahirap isipin na ang ipinunta nitong mga kapulisan natin ay para magbigay ng proteksyon pati na rin sa ating mga member ng national agencies, maghatid ng tulong sa isang malayong lugar, naglakad ng tatlong oras, umikot pa para ru’n. And yet, pagkatapos ganito pa ang gagawin,” dagdag nito.

Sa naganap na sagupaan sa pagitan ng New People’s Army (NPA), siyam ang sugatan, anim pa ang nagpapagaling, tatlo ang gumaling na habang tatlo ang nasawi. RNT/ELM