Mga pulis, sundalo tiklo sa pagbebenta ng armas sa Maguindanao

Mga pulis, sundalo tiklo sa pagbebenta ng armas sa Maguindanao

October 14, 2021 @ 7:34 PM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naaresto ang limang indibidwal kasama na ang dalawang sundalo, pulis, at iba pa dahil sa pagbebenta ng armas sa ikinasang entrapment operation sa Maguindanao.

Tinukoy ng PNP ang mga suspek na sina Patrolman Eliver Jay Anggot Soverano, Army Staff Sergeant Gleen Argones Sangyao, at Army Staff Sergeant Reynaldo Dichosa II.

Habang ang iba pa ay tinukoy na sina Datu Morjan Kunakon Tumindig at Adams Tuminding.

Nasabat sa lima ang 5.56 mm Bushmaster rifle; dalawang 5.56 rifle; M4 Carbine; dalawang caliber 45 pistol; at tatlong 9mm pistols.

Kaugnay rito, paiigtingin naman ng PNP at Armed Forces of the Philippines ang kanilang koordinasyon upang matigil na ang ganitong aktibidad. RNT/FGDC   


  •  
  •  
  •