Mga pulis umangal sa pink face mask

Mga pulis umangal sa pink face mask

January 14, 2022 @ 5:53 PM 1 week ago


ITALY – Mariing inangalan ng mga pulis sa Italy ang pagpapasuot sa kanila ng face mask na kulay pink.

Sa kanilang sulat-protesta sa Interior Ministry, sinabi ng mga pulis na nakasisira umano sa kanilang imahe ang pagsusuot ng pink habang naka-duty sila.

Dapat umanong kulay puti, asul o itim ang ipasusuot sa kanila.

Hindi nila umano maintindihan kung bakit sa tinagal-tagal na ng pandemya ay naisipan ng mga awtoridad na pagsuotin sila ng pink.

Sapat na umano ang panahon para bumili ang gobyerno ng face mask na bagay sa mga pulis. RNT