Mga residente inilikas sa abot-dibdib na baha sa Visayas, Mindanao

Mga residente inilikas sa abot-dibdib na baha sa Visayas, Mindanao

October 28, 2022 @ 3:54 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tumulong na sa paglikas ng mga residente ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig-baha sa Barangay Poblacion Sur, Sigma, Capiz at iba’t-ibang bayan sa Bangsamoro Region sa Mindanao.

Ayon sa PCG, abot hanggang dibdib na ang baha sa mga bayan ng BARMM dulot pa rin ng bagyong Paeng gayundin sa Sigma, Capiz.

Gabay ng mga PCG rescuers ang isang lubid para ligtas na madala ang mga kabataang na-trap sa isang bayan sa BARMM at dinala na sa pinakamalapit na evacuation center.

Tumulong ang PCG District-BARMM sa mga evacuation at rescue operations katulad ng sa Barangay Purok Masigasig at Barangay Limbo sa Sultan Kudarat; at Barangay Magsaysay sa Parang, Maguindanao. Jocelyn Tabangcura-Domenden