Mga residente malapit sa Taal Volcano lumikas na – NDRRMC

Mga residente malapit sa Taal Volcano lumikas na – NDRRMC

March 26, 2022 @ 2:45 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Sinimulan nang ilikas ng mga awtoridad ang mga residente sa mga barangay na malapit sa lokasyon ng Taal Volcano sa Batangas nitong Sabado matapos isailalim ang bulkan sa Alert Level 3 kasunod ng pagbuga nito ng usok.

Isinagawa ang paglilikas sa limang barangay sa mga munisipalidad ng Agoncillo at Laurel na pasok sa seven-kilometer distance mula sa crater ng Taal Volcano, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

“Ongoing ang evacuation activities po sa Barangay Gulod, Boso-Boso and eastern portion of Bugaan East in Laurel. And initial info from Agoncillo local government unit is 160 families had been evacuated,” pahayag ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal.

“The 160 families po are estimated to be 800-900 persons,” sabi pa ni Timbal.

Inilahad din ni Timbal na dinala ang evacuees sa limang paaralan at isang covered court.

Iniulat ng PHIVOLCS na Taal Volcano “generated a short-lived phreatomagmatic burst” bandang alas-7:22 ng umaga.

Ito ay “followed by nearly continuous phreatomagmatic activity that generated plumes 1500 m accompanied by volcanic earthquake and infrasound signals,” dagdag pa ng PHIVOLCS.

Sa ilalim ng Alert Level 3, “there is magmatic intrusion at the Main Crater that may further drive succeeding eruptions,” anito. RNT/SA