Mga residente ng Bulacan binulaga ng baha

Mga residente ng Bulacan binulaga ng baha

July 13, 2022 @ 2:56 PM 1 month ago


BULACAN – Ginulantang ng baha ang umaga ng maraming residenteng nasa mababang lugar, malapit sa ilog at baybayin matapos bayuhin ng ulan na sinundan ng high tide.

Subalit ayon sa impormasyon,mas kinakatakutan nila ang pinagsamang puwersa ng dambuhalang high tide,habagat at ang posibleng pagpapakawala ng dam sakaling mapuno ito.

Nalamang  bandang 4:00 ng umaga nitong Miyerkules Hulyo 13,kabilang na binayo ng ulan ang ilang parte ng lalawigan dahil sa namataang Low Pressure Area  (LPA) na nagpaulan ng habagat at nagpabaha sa maraming lugar.

Bandang 8:30 am sinundan naman ng high tide na may taas na 4.9 ft ang buhos ng ulan na lalong nagpabaha sa mga mababang lugar sa bayan ng Obando, Meycauyan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Bulakan, Guiguinto, Malolos, Paombong, Hagonoy at Calumpit.

Nag- aalala ang mga apektadong residente na makakaranaas ng  5.2 ft na pinakamataas na high tide sa loob ng tatlong araw o  mula Huwebes hanggang Sabado.

Mas ikinatakot nila ang hindi inaasahang pagbayo ng ulan mula sa LPA o habagat at posibleng pagpapakawala ng dam sakaling mapuno ito kasabay ang pinakamataas na high tide.

Maraming mga residenteng nasa kalapit-ilog at baybayin ang mga naghanda at nag-taas na ng mga gamit dahil sa inaasahang mataas na baha mula sa dambuhalang high tide. Dick Mirasol III