Manila, Philippines – Maaari nang makanood ng State of the Nation Address (SONA) ang mga residente ng limang liblib na barangay sa bansa.
Sa pamamagitan ng government satellite network (GSN) ay maita-transmit ang government video, imahe , audio at data content kahit sa pinakamalayong isla at punakamalayong kabundukan at maging sa iba pang panig ng mundo sa tulong ng satellite at Internet Protocol Television (IPTV) technology.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar na ialagay ang GSN connection sa lahat ng mga barangay hall sa buong bansa.
Aniya, bahagi ito ng pagsisikap ng gobyerno na magkaroon ng direktang komunikasyon ang Pangulo sa mga mamamayan na nakatira sa malalayo at liblib na lugar sa bansa.
Kaya nga, asahan na aniyang agad na makakarating sa limang liblib na barangay ang magiging mensahe ni Pangulong Duterte sa kanyang ikatlong SONA sa Lunes, Hulyo 23.
“Limang barangay na walang access sa telebisyon at walang access sa mobile phone, thru government satellite network they can already watch the President speak,” ani Andanar. (Kris Jose)