Mga residente ng Marikina pwedeng maging choosy sa COVID vaccine — Mayor Teodoro

Mga residente ng Marikina pwedeng maging choosy sa COVID vaccine — Mayor Teodoro

January 13, 2021 @ 7:00 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tiniyak ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na maaaring maging mapili ang kanilang mga residente sa bakunang ituturok laban sa COVID gayundin ang pag-iinspeksyon sa cold storage facility ng na paglalagyan ng mga ito.

“Hindi mo pwedeng pilitin [yung taong magpabakuna], karapatan nya yan at pati yung sinasabi nilang brand na gusto ng tao, kailangan igalang mo rin yan,” saad ni Teodoro.

 

“Dun sa survey na ginawa namin, yung mga tao gustong magpabakuna pero yung tiwala sa brand, dahil nga may mga naririnig silang impormasyon na mga reaksyon, o kaya doon sa mga nangyayari sa ibang brand, yung efficacy at safety nito, gusto nga namin diversified portfolio of vaccines. Yung may pwedeng pagpilian. Kaya nakikipag-usap kami sa mga dalawa o tatlong brand, para yung tao naman may pagpilian.”

Kaugnay nito, tiniyak na pinapalawig pa ang paghahanda sa cold storage facility na gagamitin para sa COVID-19 vaccines na nasa  City Health Office sa Barangay Sto. Niño, Marikina.

 

“Naghahanda kami ng storage kasi kung iba-ibang bakuna yung makukuha ng city, iba-ibang storage requirements pala ang kailangan. Dapat pala uninterrupted power supply ito, hindi pwedeng mawawalan ka ng kuryente,” lahad pa ni Teodoro. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...