Mga residente sa DavOr pinag-iingat sa lindol, tsunami

Mga residente sa DavOr pinag-iingat sa lindol, tsunami

April 21, 2022 @ 6:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kahit na hindi nagdulot ng tsunami ang dalawang malalakas na mga lindol na tumama sa Davao Oriental nitong linggo, nagbabala si Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum Jr. sa puliko na manatiling mapagbantay laban sa malakas na lindol o tsunami sa lugar.

Ang pagyanig na magnitude 6.2 at magnitude 6.1 nitong linggo ay dulot ng paggalaw sa Philippine Trench, ayon kay Solidum nitong Huwebes.

“It (magnitude 6.1 quake early Thursday) had the same epicentral area as the (magnitude 6.2) quake last Tuesday. This supports that large earthquakes can occur in the area and the public needs to be prepared,” pahayag niya.

Tumama ang lindol nitong Huwebes bandang 78 kilometro southeast ng munisipalidad ng Manay, habang ang epicenter noong Martes ay nasa 77 km southeast ng parehong lugar.

“A major earthquake or tsunami can be generated along the Philippine Trench,” babala ni Solidum. RNT/SA