Mga residente sa Northern Samar lumikas; sagupaan ng militar, NPA tuloy

Mga residente sa Northern Samar lumikas; sagupaan ng militar, NPA tuloy

July 12, 2021 @ 7:50 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Naglikasan na ang mga residente ng Barangay Hitapi-an sa bayan sa Catubig, Northern Samar dahil sa patuloy na sagupaan ng mga militar at mga rebeldeng komunista.

May mga kabahayan ding nabutas ang bubong dahil sa engkwentrong naganap noong Sabado ng umaga.

Tinulungan naman ng mga opisyal ng Catubig Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa evacuation center ang ilang apektadong residente, habang ang iba ay piniling pumunta sa bahay ng mga kamag-anak.

Iniulat din sa Borongan, Eastern Samar na isang hinihinalang miyembro ng NPA ang napatay sa engkwentro.

Sinabing nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at 78th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay San Andres, Borongan, alas 11:05 ng umaga, araw ng Linggo.

Wala namang namatay sa panig ng militar.

Narekober dito ang M16 rifle at isang magazine ng 5.56mm rifle. RNT/FGDC