Mga residente sinagip ng PCG sa abot-dibdib na baha sa Mindanao

Mga residente sinagip ng PCG sa abot-dibdib na baha sa Mindanao

January 11, 2023 @ 4:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Naka-alerto sa kasagsagan ng malawakang pag-ulan sa CARAGA region ang Philippine Coast Guard (PCG) District Northeastern Mindanao.

Ayon sa PCG, nakahanda ang kanilang deployable response group (DRG) para agad na makatulong sa lokal na pamahalaan, partikular sa paglikas o pag-rescue sa mga pamilyang maaapektuhan ng sama ng panahon.

Liban sa pagbaha, naka-alerto rin ang PCG sa posibleng landslide sa rehiyon.

Samantala, inilikas ang mga kabataang na-trap sa kani-kanilang tahanan kasunod ng walang tigil na pag-ulan sa Zamboanga City nitong Miyerkules, Enero 11.

Isinasagawa ang naturang operasyon sa kasagsagan ng abot-dibdib na tubig baha sa lugar.

Habang ang (PCG) Station Isabela, patuloy din na binabantayan ang mga pamilyang apektado ng pagbaha dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan sa Barangay Baluno, Isabela City, Basilan, ngayong araw.

Ilan sa mga kabahayan ay lubog din sa abot-dibdib na baha.

Kaugnay nito, naka-antabay ang mga deployable response group (DRG) ng PCG, PNP, BFP, PDRRMO, at CDRRMO sa posibleng evacuation o rescue operation sa iba pang bahaing lugar sa Isabela City sa mga susunod na oras. Jocelyn Tabangcura-Domenden