Mga sangkot sa agri smuggling pinasusubpoena

Mga sangkot sa agri smuggling pinasusubpoena

January 23, 2023 @ 6:12 PM 4 days ago


MANILA, Philippines – Hiniling ni Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing sa House Committee on Ways and Means na isubpoena ang 10 indibidwal na sangkot sa smuggling ng mga agricultural products sa bansa.

Kabilang sa pinatatawag ni Suansing ay sina Michael Ma, Lujene Ang, Andrew Chang, Beverly Peres, isang nagngangalang Aaron, Manuel Tan, Leah Cruz, Jun Diamante, Lucio Lim, Lugene Ang, sinasabing righthand man sa Bureau of Customs at Gerry Teves.

“I, as principal author of House Resolution No. 311, would like to request the Committee on Ways and Means to issue subpoenas for brokers/importers/facilitators allegedly involved in large-scale agricultural smuggling in local ports in the Philippines,” pahayag ni Suansing.

Ang mga inidibidwal ay sinasabing nag-ooperate sa Port of Manila, Manila International Container Port at Port of Cagayan de Oro.

Maliban sa pagsusubpoena sa ilang indibidwal, hinihingan din ng mambabatas ang BOC at Department of Agriculture ng rekord ang ilang consignee kabilang ang Victory JM Enterprises;
Taculog International Consumer Goods Trading; Asterzenmed Aggregates; Veneta Consumer Goods Trading; Lalavy Aggregates Trading; Frankie Trading Enterprises; Primex Export – Import Producer;
SB Express Logistics Business Solution; Silver Pop Dry Goods Trading; Thousand Sunny Enterprises; Viogelas Viol Aggregates Trading; Junezone Dry Goods Trading; at Burias Jang Consumer Goods Trading.

Gayuundin ang importer na PilSHON Corporation na base sa kanyang natanggap na impormasyon ay sangkot sa smuggling ng sigarilyo.

“In view of these requests, I will divulge in due time pertinent information on these individuals and personalities, which would make relevant these requests to the Committee and to the concerned government agencies,” ani Suansing.

Samantala sinabi ni House ways and means panel senior vice chairperson Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing na dahil sa smuggling ay nasa P693 milyon na ng revenue ang nawala sa bansa nito lamang Enero.

“In January 2023 alone, the estimated value of reported smuggled commodities has already totaled to P693 million. Tobacco smuggling alone is estimated to cost the government P24.7 to P26 billion per year, with some estimates placing it as high as P60 billion as an estimated 13-14% of tobacco products sold in the country come from illegal sources,” ani Suansing.

Bllang patunay na talamak ang smuggling sa bansa, tinukoy ng batang Suansing ang mga naharang na kontrabando kabilang na ang P1 billion smuggled rice na nasabat sa Iloilo noong August 2022; nasa P600 million smuggled onions na nakumpiska noong 2022 at P521.5 million smuggled sugar na nakumpiska sa ilang operasyon noong 2021.

Aniya, makalulungkot na mula nang maisabatas ang Agricultural Smuggling Act of 2016 ay nas 93 kaso pa lang ang naisampa sa Department of Justice at walang pang nahahatulan. Gail Mendoza