Mga sasabak sa Asian games, pawang dekalidad -SAP Go

Mga sasabak sa Asian games, pawang dekalidad -SAP Go

August 6, 2018 @ 5:18 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Tiwala si Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go  na pawang dekalidad ang mga players na bumubuo sa 14-man roster ng national team ng Pilipinas na magtutungo sa Indonesia para sumabak sa Asian Games.

Kumbinsido siya na kayang makipagsabayan ng 14-man line-up ng Pilipinas sa ibang mga bansang kalahok din sa men’s basketball event ng Asiad.

“‘Yung ito namang team na ipapadala natin, alam kong laban na rin ‘to. Kahit hindi man tayo manalo, I’m sure we will give them a good fight and a run for its money,” ani Go.

Nag-joke naman ito na kung bibigyan ng pagkakataon ay posible ring sumali ito sa national squad.

Samantala, malaki ang tiwala ni Go sa tatayong national team head coach na si NLEX Road Warriors mentor Yeng Guiao.

Samantala, binubuo nina JP Erram; Christian Standhardinger; Asi Taulava; Raymond Almazan; Beau Belga; Maverick Ahanmisi; Chris Tiu; Gabe Norwood; James Yap; Stanley Pringle; Paul Lee; Don Trollano; at ang mga Gilas cadets na sina Kobe Paras at Ricci Rivero ang koponan ng Pilipinas.

Matatandaang si Sec. Go ang pumagitna para makumbinsi ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA) para magpadala ng basketball team sa Asiad sa kabila ng sinasabing kakulangan na ng panahon para magsanay at makabuo ng isang national team.

Huling nakabingwit ng gintong medalya ang Pilipinas sa larangan ng basketball noon pang 1962 Games sa Jakarta, Indonesia. (Kris Jose)