Mga sementeryo, lantarang sinasalakay ng mga kawatan

Mga sementeryo, lantarang sinasalakay ng mga kawatan

June 3, 2022 @ 5:40 PM 4 weeks ago


MOZAMBIQUE – Hindi na gabi kundi araw kung pagnakawan ng mga kawatan ang mga sementeryo sa bansang ito.

Sa Mangalana cemetery sa Beira City lamang, mahigit nang 50 ang pinagnakawan sa nakalipas lamang na isang buwan.

Tinatanggal ng mga magnanakaw ang lahat ng mga ikinakabit sa mga krus at kabaong na sari-saring bakal saka ibinebenta sa mga junk shop para kumita.

Hirap naman umanong sawatain ang mga magnanakaw, ayon sa bantay na sementeryo na si Fernando Jaime.

Hindi na umano nila maintindihan kung bakit binababoy na ang mga nailibing ngunit palatandaan umano ito ng pagbaba ng moralidad ng mga mamamayan.

Nananawagan ang mga mamamayan ng tulong sa mga awtoridad upang mapigilan o mahuli ang mga magnanakaw. RNT