Mga sementeryo sa NCR, isara sa Okt. 29 hanggang Nob. 2 – MMC

Mga sementeryo sa NCR, isara sa Okt. 29 hanggang Nob. 2 – MMC

October 12, 2021 @ 6:02 PM 5 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Hinikayat ng Metro Manila Council (MMC) ang lahat ng lokal government unit sa capital region na isara ang lahat ng sementeryo, memorial park, at kolumbaryo ng limang araw bilang pag-iingat na rin laban sa COVID-19.

Ang mungkahi ng MMC na binubuo ng 17 alkalde sa National Capital Region at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad ng ordinansa o i-adopt ang MMDA Resolution No. 21-22 s. 2021 na naghihigpit ng pagpasok sa mga nasabing lugar mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

“It is encouraged that individuals visit the public and private cemeteries, memorial parks, and columbaria on dates earlier than 29 October 2021 or later than 02 November 2021 subject to the prescribed 30 percent venue capacity,” ayon sa resolusyon.

Sa kabila ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa, pinaalalahanan pa rin ng Department of Health at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na sumunod sa pagpapatupad ng minimum public health standards. RNT


  •  
  •  
  •