Mga sementeryo sa NCR, nakasusunod sa health protocols – MMDA

Mga sementeryo sa NCR, nakasusunod sa health protocols – MMDA

October 27, 2021 @ 10:33 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sumusunod sa itinakdang health protocola ang mga sementeryo, kolumbaryo, at memorial park.

Ito ang naging obserbasyon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa pag-iikot niya nitong Martes bilang paghahanda sa Undas 2021.

Giit pa ni Abalos na “well-prepared” ang mga sementeryo pagdating naman sa pagtanggap ng mga bibisita.

Siniguro rin niya na mayroon nang mga nakaposteng police assistance desk sa mga sementeryo para makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan.

“We encourage the public to schedule their visits to their departed loved ones before the closure to avoid crowding and ensure the health and safety of everyone,” paghihikayat naman ni Abalos.

“While it is important to abide by the guidelines set by the IATF and to observe minimum health protocols, it is likewise significant to practice self-discipline to ensure that we will have an Undas that is safe from the COVID-19 virus,” dagdag pa niya. RNT