Mga senior sa Navotas makapanonood ng libreng sine

Mga senior sa Navotas makapanonood ng libreng sine

June 7, 2022 @ 6:08 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinamahan nina Navotas Mayor Toby Tiangco at Cong. John Rey Tiangco ang mga OSCA chapter presidents sa Fisher Mall Malabon sa pagbubukas muli ng libreng sine para sa mga senior citizen. Tuwing Lunes at Martes, alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, pwede silang manood nang libre. Kailangan lang magdala ng kanilang senior ID. Jojo Rabulan