Mga siklista natuwa sa bike racks sa al fresco dining sa Taguig

Mga siklista natuwa sa bike racks sa al fresco dining sa Taguig

July 14, 2021 @ 5:23 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Natuwa ang marami lalo na ang mga siklista sa bagong al fresco dining ng Market Market na dinisenyo para sa mga ito.

Naglagay ng mga bike racks sa al fresco Central Plaza Bite area para imbes na iwan nila ang kanilang mga bisiklita sa parking ay pwede na nila itong maipasok at magamit habang kumakain.

Ito ay may bike racks kung saan pwedeng magkasya ang isang bisikleta sa tabletops.

Maaaring pumili ang mga pumupunta sa mall ng kanilang restaurants sa Market Market Central Plaza Bite dining area para sa kanilang dine-in o takeaway orders.

Ang al fresco ay para sa lahat ng mga gusto ng outdoor seating habang kumakain at para sa mga gusto ng mas safe na pagkain ng kanilang food cravings.

Ayon sa ilang taga Metro Manila, natuwa sila sa bagong atraksyon ng al fresco sa Market Market dahil naging exercise na rin nila ito, mas safe at convenient lalo na sa kasalukuyang pandemic ngayon.

Ang lahat ng mahihilig sa pagbibisiklita ay welcome na ma-enjoy ang  bagong al fresco dining experience sa Market! Market!’s Stop Bite, kasama ng kapwa nila siklista, pamilya, at kaibigan! Yna de Luna (trainee)