Mga simbahan sa Makati, vaxx sites na rin

Mga simbahan sa Makati, vaxx sites na rin

August 21, 2022 @ 10:05 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Makati ang pagkakaloob ng COVID-19 vaccine sa mga simbahan upang mas lalo pang mapadali para sa mga residente ng lungsod ang pagtuturok ng bakuna sa kanila.

Sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na naging matagumpay ang paglulunsad ng lokal na pamahalaan sa baksinasyon bunsod ng pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang Parokya ng simbahan sa lungsod.

Ayon kay Binay, sinimulan ang vaccination drive ng lokal na pamahalaan noong Agosto 14 sa St. Joseph the Worker Parish kung saan napagkalooban ang parokyano ng simbahan ng kanilang bakuna laban sa COVID-19.

Ikinasa rin ito noong Agosto 18 (Huwebes) sa Our Lady of Fatima Parish Church sa Capinpin St., Bangkal, Makati City.

Sinundan ito noong Agosto 20 (Sabado) sa San Jose Chapel, Sampaguita St., Guadalupe Nuevo.Β  James I. Catapusan