Mga solon nakiramay sa pamilya de Vega

Mga solon nakiramay sa pamilya de Vega

August 11, 2022 @ 2:10 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Nakikiramay at nakikidalamhati ngayon ang Kongreso sa pagpanaw ng medalyadong atleta na si Lydia de Vega.

Pinangunahan ni House Speaker Martin G. Romualdez ang pagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya ng namayang si retired Filipino sprinter Lydia de Vega na pumanaw kahapon sa edad na 57.

“Lydia de Vega was one of the greatest and the most decorated Filipino athletes. She brought honor and pride to our country by winning numerous medals in the Southeast Asian Games, Asian Games and Asian Athletics Championships. She was called Asia’s fastest woman after ruling the 100-meter dash in the 1982 and 1986 Asian Games,” sinabi ni Romualdez.

Aniya, ang pagkamatay ni de Vega ay sumasalamin lamang ng pangangailangan ng gobyerno at pribadong sektor na suportahan ang mga atleta at mapanatili ang kanilang magandang kalusugan kahit ang mga ito ay retirado na.

“Her death highlights the need for our government and the private sector to support Filipino athletes not only while they are healthy and physically able to compete but in retirement as well. Our prayers and thoughts are with Lydia de Vega’s family at this most difficult time,” ani Speaker Romualdez.

Ayon naman kay ACT – CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo na ang tagumpay ni de Vega dahil sa naging sipag nito at commitment ang siyang naghatid sa bansa ng dangal at pagkilala na hindi aniya matatawaran sa larangan ng palakasan.

“Her invaluable contributions to Philippines sports will undoubtedly live on in memory for future generations and will inspire ther Filipino atheletes, to strive fr excellence.” ani Tulfo kasabay ng kaniyang pakikiramay sa pamilya ni de Vega.

Para kay Valenzuela City Rep. Eric Martinez, ang pagpanaw ni de Vega ay kawalan ng pambansang kayamanan na itinuring noon bilang “Queen of Track Lydia de Vega,” at nagbigay ng dangal at pagkilala sa bansa noong dekada 80 na tinawag din bilang “Asia’s Fasgest Woman.”

Nagpaabot din ng kaniyang pakikiramay si Dasmarinas City Rep. Elpidio Barzaga sa pamilya ni de Vega na tinawag niyang “ true Philippine sports heroine and icon.”

Ito ay dahil aniya sa “honor and pride” na naiambag ni de Vega sa bansa lalo na sa larangan ng isports bilang “sprint Queen” sa pagsasabing “her legacy of greatness will live on. This is evident in how she paved the way for the likes of Hidilyn Diaz in capturing the imationa of the young girls in every corner of the country though the glory achieved in sports.”

Nakiramay din si PBA Partylist Rep. Margarita “Migs” Nograles sa pagsasabing “nakalulungkot na mawala ang isa sa ating mga unang babaeng bayani. Bilang isang woman athlete at trackster, isa sa mga inspirasyon po talaga si Ms. Lydia.”

Mas nakalulungkot din aniya na sa huling mga araw ni de Vega ay humingi ito ng tulong sa publiko para masuportahan ang kaniyang pagpapagamot.

Ang aspetong ito aniya ang dapat na masilip upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng retirement benefits sa mga nagdaang olympians.

“Kaya po, iyan ang isa sa mga pinag-aaralan natin ngayon para po matulungan ang ating olympians retirado man o aktibo,” dagdag ni Nograles. Meliza Maluntag