Mga stranded na pasahero sa Manila port papayagang makauwi kung…

Mga stranded na pasahero sa Manila port papayagang makauwi kung…

January 24, 2022 @ 6:46 AM 8 months ago


Pinayagan na ring makauwi ang 117 pasahero patungong Zamboanga City matapos ma-stranded ng ilang araw sa Manila North Port Passenger Terminal dahil sa “no vaccine, no ride” policy at hindi kumpletong requirements, ayon sa opisyal ng PPA.

Sinabi ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago na ang nasabing mga pasahero ay pinagbawalang bumiyahe dahil sa walang maipakitangvaccination cards at RT-PCR test results na kailangan ng pamahalaang lokal na kanilang pupuntahan.

Ngunit dahil sa pagkahabag, pinahintulutan ng Department of Transportation na makabiyahe ang mga stranded na pasahero noong Lunes (Jan. 24) matapos na marami sa kanila ang tumanggap ng bakuna mula sa pamahalaang lungsod ng Maynila,ayon kay Santiago sa TeleRadyo ng ABS-CBN.

Pumayag naman ang pamahalaang lokal ng Zamboanga City na tanggapin ang pasahero pero kailangan muna nilang magpakita ng negatibong resulta ng antigen test result na isasagawa bago ang kanilang biyahe.

Binigyan diin ni Santiago na ibinigay lamang ang exemption sa mga Zamboanga City-bound passengers at hiniling sa publiko na “huwag samantalahin” ang naturang pribilehiyo mula sa patakarang “no vaccine, no ride”.

Ayon kay Santiago, mahigpit na ipapatupad ang “no vaccine, no ride” sa mga pantalan sa buong bansa.

“Sa gate pa lang ng ating terminal, pantalan, hinahanap na po iyan (proof of vaccination) ng ating security personnel bago papasukin ang mga kababayan natin,” ani Santiago

Aminado naman ito na hindi masusuri ng mga otoridad sa pantalan ang authenticity ng vaccination cards at umapela sa publiko na iwasang gumamit ng pekeng dokumento.

Samantala, nahirapan namang makapasok sa North Port Passenger Terminal ang mga pasahero patungong Iloilo dahil sa kawalan ng SPass.

Ang Iloilo ay kasalukuyan ding nasa Alert Level 3 hanggang katapusan ng Enero

Samantala, iniulat din ni Santiago na 92 porsyento ng kanilang PPA personnel ay fully vaccinated na kontra COVID-19.

Nasa 135 indibidwal mula sa PPDA’s head office ang nagpositibo sa COVID-19 sa kasagsagan ng impeksyon, karamihan sa kanila ay asymptomatic o nakararanas lamang ng mild symptoms ayon kay Santiago. Jocelyn Tabangcura-Domenden