MGA SUGAROL NAGPUPUSTAHAN NA SA NO. 2 SA PRESIDENTIAL RACE

MGA SUGAROL NAGPUPUSTAHAN NA SA NO. 2 SA PRESIDENTIAL RACE

January 28, 2022 @ 12:17 AM 8 months ago


ALAM ba ninyo, guys, na may mga bagong pinagpipiyestahan ang mga dakilang sugarol?

Ano yun? Ang labanan ng magiging number 2 sa presidential candidate sa May 9, 2022 national elections.

Well, ayon sa ating mapagkakatiwalaang source,  umaabot na sa milyong piso ang pustahan.

Aba, mukhang malakihang pustahan’yan, ah. ‘Di po ba? Dinaig pa ang Online Sabong. He..he..he.

Dahil may mga tumataya para kay Isko Moreno, mayroon din para kay Leni Robredo, gayun din kay Pacquiao at kay Ping Lacson.

Pero, mga tsong, napag-alaman na karamihan sa mga sugarol ngayon ay alam nang walang dapat paglabanan kung sino ang susunod na Presidente ng Pilipinas dahil batid nilang wala nang makatatalo pa kay presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. (Kumbaga, llamado na si BBM).

Anila, masyadong boring na ang darating na eleksyon dahil alam na ng lahat na si BBM na ang sigurado nang mananalo. Ito’y sa kabila ng matinding upak sa kanya ng grupong Dilawan (Partida pa ‘yan, reparits).

“BBM na iyan, wala nang iba. Kaya para hindi maging boring ang eleksyon, pinagpupustahan na lang namin kung sino ang magiging Number 2,” sabi ng isang businessman na aminadong nabawasan ang pagpunta sa casino dahil sa pandemic.

Para sa isang bigtime na karerista sa kabayo, magandang pustahan din para sa mga dehadista ang labanang Isko-Leni-Manny at Ping ito ay para lamang sa pang-Number 2.

Kung pagbabasehan ninyo, mga reparits, ang survey, ang layo ng lamang sa kanila ni BBM pero sa number 2 na pu-westo, magkakadikit sila at close fight kaya exciting ang pustahang ito para sa Number 2,” ayon sa isa pang sugarol.

“Ang pusta ko ay Isko, kahit plus one million votes pa si Leni, si Yorme ang magiging Number 2,” ito po tsong ang  sabi ng isang manager sa bangko.

Isang pulitiko naman sa Central Luzon ang nagsabing ang pusta niya ay para kay Leni. “Basta plus three million votes ako. Ang pustahan namin ay P500,000. Malay mo makasilat si Leni, eh, ‘di may kalahating milyon ako!”

Samantala isang adik naman sa sabong online ang nagsabing kapana-panabik din ang ‘talpakan’ sa number 2. “May plus dito at nakataya rito pati pato’t panggulo,” isama mo na pati karsunsilyo ni Lolo.

Naniniwala ang karamihan sa mga sugarol ngayon na ang pustahan kung sino ang magiging Number 2 sa darating eleksyon ay lalakas pa habang nalalapit ang halalan.

“Mapa-small time, mapa-bigtime, patok ang pustahan ito. Isipin n’yo ngayon lang may pustahan kung sino ang ma-giging pang-number 2 sa pagkapanalo! Mas exciting pa ito sa ending sa basketball,” sabi ng isang call center agent.

Kung matatandaan natin,lahat halos ng mga credible survey firms ay si BBM ang angat sa lahat ng presidentiable. Si BBM ay 53% sa Pulse Asia; 51.90% sa Publicus; 54% sa Octa; SWS, 47%; DZRH, 49.20%, RMN, 55%; MBxTange-re Survey 57.67% at kahit sa Kalye Survey 68.5% ay nangunguna po si BBM.