Mga sundalong SEAG medalist, bar passers, pinarangalan ng AFP

Mga sundalong SEAG medalist, bar passers, pinarangalan ng AFP

June 22, 2022 @ 6:57 PM 4 days ago


MANILA, Philippines – Binigyang-parangal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 74 na military officers, enlisted personnel, at civilian human resources na nag-uwi ng medalya sa bansa sa nakalipas na 31st Southeast Asian Games (SEAG) at nakapasa sa huling bar exams.

Pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Andres Centino ang paggagawad ng Outstanding Achievement Medal sa mga atletang nakakuha ng gintong medalya sa SEA Games.

Kabilang dito si Staff Sergeant Hidilyn Diaz ng Philippine Air Force.

Meritorious achievement medal naman ang iginawad sa mga nanalo ng silver at bronze medal, habang Military Merit medal sa mga soldier-coaches.

Labinglimang tauhan din ng AFP ang binigyan ng Plaque of Recognition matapos na makapasa sa bar exams.

“Their perseverance and dedication led them to the road of success in accomplishing their dreams of pursuing professional advancement, and for bringing honor and glory to the country in international sports competitions,” anang chief-of-staff. RNT/ JCM