MMA fighter arestado sa buy-bust operation; P2.8M marijuana, nakumpiska

January 18, 2021 @9:54 PM
Views:
71
QUEZON CITY – Arestado ang isang mixed martial arts (MMA) fighter matapos mahulihan ng nasa 1.8 kilogram na kush marijuana na may street value na P2.8 million sa ikinasang drug sting operation sa Cubao, Quezon City nitong nakaraang linggo.
Ayon sa PNP, ang nasakoteng suspek ay si Gary Espinar, 37, residente ng Lajoya Subdivision, Barangay Dila, Sta Rosa, Laguna.
Nalambat si Espinar ng pwersa mula sa Northern Police District- Drug Enforcement Unit (DEU).
Isiniwalat ng mga pulis na ang pagkakahuli sa MMA fighter ay bahagi ng follow-up operation na kanilang inilunsad matapos ang isang suspek, una nang nalambat ng mga pulis, ay inginuso si Espinar bilang supplier.
Agad na nagsagawa ng follow-up buy-bust operation ang mga pulis na nauwi sa pagkakahuli ng MMA fighter na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal na droga.
Tumanggi magsalita sa media ang MMA fighter na lumalaban sa Sherdog at may pro-record na 5 panalo at 5 talo.Rico Navarro
DND binawi ang kasunduan sa UP sa pagbabawal sa sundalo, pulis sa campus

January 18, 2021 @8:20 PM
Views:
101
1 - 1Share
MANILA, Philippines – Inihinto na ng Department of National Defense ang 31 taong kasunduan sa University of Philippines na pagbabawal sa pagpasok sa unibersidad ng mga militar at pulis kung wala silang paunang koordinasyon sa opisyla ng UP.
Sa liham na may petsyang Enero 15, 2021, inimpormahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si UP President Danilo Concepcion sa aksyon ng DND sa pagtermina sa kasunduan.
Ang dahilang binanggit, ay ang paghihikayat umano ng mga komunista sa mga estudyante sa loob mismo ng UP campuses.
“In pursuit of true national peace and development, it is time to terminate or aborgate the existing agreement with the end view if protecting and securing the institution and youth against the enemies of the Filipino people without sacrificing the freedoms we have preserved for about 30 years since the agreement was executed,” ani Lorenzana.
Sa nasabing kasunduan na pinirmahan noong 1989 sa ilalim ng Aquino administration, hindi maaring pumasok sa campus ang mga pulis at sundalo nang walang koordinasyon sa administrasyon ng unibersidad.
Ayon kay Lorenzana na ang kasunduan ay pumipigil sa DND sa pag-iimbestiga o pagpapatunay ng “effective security, safety and welfare” ng mga estudynate, faculty, at empleyado ng UP.
Ayon sa Defense Chief na ilang mga nagdaang pangyayari ang nakadetermina umano sa ilang UP students na miyembro ng Communist Party of the Philippines/New People’s Army (CPP/NPA).
Dagdag pa ni Lorenzana na sa ilang pagkakataon pa ay may nasasawi sa mga operasyon ng otoridad sa pagpanig nila sa makakaliwang grupo habang ang ilan ay nahuli at sumuko.
“These UP students were recruited by the CPP/NPA, an organization declared by the Anti-Terrorism Council (ATC) as a terrorist organization,” saad sa liham.
Ayon pa kay Lorenzana na alam naman nila ang nangyayari umanong recruitment sa UP campuses ng CPP/NPA na ginagamit lamang bilang shield at propaganda ang iskul.
“By reason of national security and safety of UP students, this department intends to remedy this situation by terminating or abrogating the existing agreement in order for us to perform our legal mandate of protecting our youth against CPP/NPA recruitment activities whose design and purpose is to destroy the democracy we have all fought for,” ani Lorenzana .
“We do not intend to station military or police inside UP campuses nor do we wish to suppress activist groups, academic freedom and freedom of expression. The Department of National Defense has nothing to gain from suppressing their rights and freedoms but will only alienate it further from the people.” RNT
1 - 1Share
P5K Lapulapu commemorative banknote, medal inilabas ng BSP

January 18, 2021 @8:03 PM
Views:
104
1 - 1Share
Manila, Philippines – Inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang P5,000 Lapu-lapu commemorative banknote at medal bilang bahagi ng 99-day countdown sa 500th anniversary ng pagkapanalo nito sa Mactan.
Isinagawa ito sa Fort San Antonio sa BSP Complex in Manila.
“Now more than ever with the global crisis brought about by the pandemic we need a stark reminder of our glorious past. Now more than ever we need our heroes to remind us of our heritage and to inspire to overcome whatever challenge comes our way as a nation,” saad ni BSP Officer-in-Charge Francisco Dakila Jr.
Gayundin ay inilabas ang medal na may nakasulat na “Lapu-lapu” sa taas ng larawan ng Lapu-Lapu Shrine sa Cebu kasama ang logo ng BSP at QCP. RNT/FGDC
1 - 1Share
Panukalang nagdagdag proteksyon, benepisyo sa media workers lusot na sa Kamara

January 18, 2021 @7:56 PM
Views:
167
Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang panukalang nagbibigay ng karagdagang proteksyon, seguridad, at benepisyo sa media workers.
Nagtamo ng 218 votes ang House Bill 8140 o ang proposed “Media Workers’ Welfare Act.”
Sa ilalim ng panukala, nararapat sa media workers na nasa pribadong sektor ang minimum wage na itinakda ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board, maging ang overtime pay, night shift premiums, hazard pay, at iba pang kompensasyon sa ilalim ng Labor Code of the Philippines at iba pang batas.
Kasama sa benepisyo ang P200,000 sa bawat media worker na masasawi habang nasa duty; disability benefit na P200,000 para sa partial disability; at insurance benefit na P100,000.
Welcome naman kay Bayan Muna party-list Representative Carlos Zarate ang naturang hakbang.
“Ang mga manggagawa sa sector ng media ay ang laging nauuna pagdating sa iba’t ibang mga kaganapan dito sa ating bansa, at wala itong pinipiling panahon—dahil trabaho nila ang maghatid ng balita at impormasyon sa madla,” aniya.
“Dahil sa pagkilala ng karapatan ng mga media workers at pagbibigay sa kanila ng mga dagdag na benepisyo, lalo na ang pagkakaroon ng mandatory insurance ay bumuboto ng ‘Yes’ ang representasyon na ito sa HB 8140.” RNT/FGDC
New normal, ikakasa na sa lugar na walang COVID-19 transmission – Malakanyang

January 18, 2021 @7:52 PM
Views:
263
Manila, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na ang mga lugar na wala ng COVID-19 transmission ay maaari nang isailalim sa “new normal” kung saan ang natitirang quarantine restrictions ay magiging maluwag na.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases “in principle” ang deklarasyon ng new normal areas sa bansa.
Aniya pa, bumabalangkas na ang task force ng guidelines para sa new normal.
“It has been approved in principle po talaga na magkakaroon ng deklarasyon talaga ng new normal areas. Pero ang binubuo lang po ngayon ay yung mga ‘Dos and Don’ts’ sa new normal,” ayon kay Sec. Roque.
“Kasi baka magkaroon ng new normal, bigla silang magkaroon ng rock concert. Iyon po ang lilinawin natin, iyong mga dos and don’ts sa mga new normal areas,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, mayorya ng lugar sa bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ), itinuturing na “most lenient quarantine classification” at susunod na phase bago ang new normal.
Dahil dito, nagpatupad ang pamahalaan ng lockdown sa buong Luzon noong kalagitnaan ng Marso ng nakaraang taon at unti-unting binubuksan ang ekonomiya mataos tamaan ng pandemiya na dala ng COVID.
Ang mga itinuturing naman na high-risk areas ay isinailalim sa itinuturing na “most stringent enhanced community quarantine (ECQ) at the modified ECQ, habang ang moderate-risk areas naman ay isinailalim sa general community quarantine (GCQ) o modified GCQ.
Sa kasalukuyan, ang Metro Manila, mga lalawigan ng Davao del Norte, Batangas, Isabela, Lanao del Sur at limang siyudad gaya ng Santiago, Iloilo, Tacloban, Iligan, at Davao ay nasa ilalim ng GCQ hanggang Enero 30.
Ang natitirang lugar sa bansa ay nasa ilalim naman ng MGCQ. Kris Jose
Loading...