Mga tagumpay ng DENR bahagi ng legasiya ng Duterte admin – Cimatu

Mga tagumpay ng DENR bahagi ng legasiya ng Duterte admin – Cimatu

January 23, 2022 @ 11:58 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Bunsod ng mga tagumpay at nagawa ng ahensiya, sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy  Cimatu na ang tagumpay ng kagawaran ay bahagi ng legasiyang iiwan ng Duterte administration partikular na sa konserbasyon at proteksiyon ng kapaligiran.

Sa ginanap na  Expanded Executive Committee Conference ng DENR, pinuri ni Cimatu ang mga empleyado dahil sa pagtugon ng mga ito sa hamon at pagkamit sa inaasahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Giit ni Cimatu, ang atasan ni Pangulong Duterte na pamunuan ang tatlong importanteng inter-agency bodies — Boracay Inter-Agency Task Force, Manila Bay Task Force at ang Task Force Build Back Better—para pamahalaan ang restoration at rehabilitation efforts ng gobyerno sa pamamagitan ng whole-of-government and society approach, ay nagsasaad ng mataas na pagtingin sa kakayahan ng ahensiya.

“Indeed, I look forward to the pleasure of submitting to the Supreme Court at the end of my term a report on our compliance with the Writ of Continuing Mandamus for the cleanup and restoration of the water quality of Manila Bay,” saad ni Cimatu kasabay ng pagsasabi na ang administrasyon ni Duterte ang nagpakilos sa mga concerned agencies na sumunod sa kautusan na iniatas noon pang Disyembre 2008.

“We managed to accomplish so much in so short a time despite the distractions caused by the pandemic and natural disasters. I believe we could have accomplished more, and we will certainly do so,” sabi ni Cimatu at nanawagan din ito sa DENR workforce na higit pang pagbutihin sa mga susunod na buwan.

Sinabi pa ng DENR chief na ang isinasagawang rehabilitasyon sa Boracay Island ay inaasahang matatapos sa kalagitnaan ng 2022, kabilang na dito ang restorasyon ng wetlands, clearing ng 25+5 easement at upgrading ng island’s drainage at sewerage system.

Samantala bukod dito, pinuri din ni Cimatu ang ‘performance’ ng DENR bilang pinuno ng TFBBB na binuo noong Nobyembre 2020, upang palakasin ang rehabilitasyon at recovery efforts sa Marikina River, Cagayan River, at Bicol River matapos masalanta ng dalawang magkasunod na bagyo.

“We have responded not only to disaster and rehabilitation and recovery work but have also put in place measures to prevent or mitigate a repeat of those disasters in these three priority areas,” saad ni Cimatu.

Dagdag pa nito, kasalukuyan pa ring ginagawa ng TFBBB ang kanilang ‘template’ na siyang gagabay sa government agencies kung ano ang gagawin matapos manalasa ng mga bagyo.

“We already started studying the cases of Siargao Island, Surigao, Leyte, Cebu, Bohol, Negros, and Palawan, all devastated by typhoon Odette,” sabi ni Cimatu.

Kaugnay nito binanggit din ni Cimatu ang pagpapasara ng 335 illegally operating dumpsites sa buong bansa bilang bahagi ng pagpapatupad ng dalawang dekada na Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

“Another accomplishment worth noting is the completion of the closure of all the 335 illegally operating dumpsites,” Cimatu said, stressing that running after illegal dumpsites was a feat  “past administrations failed to do for over one and a half decades despite the command of the  Ecological Solid Waste Management Act of 2000.”

“Let us work and push harder as we keep score of our successes so that at the end of this administration‘s term, we shall be able to report our milestones and legacies that will forever be etched in the environment and natural resources sector,” aniya.  Santi Celario